Sabado, Disyembre 21, 2013

basta driver, sweet lover


Pages
 
Home
 test
 






Apr
 16 

Basta Driver Sweet Lover 
. 
"Bernandette, hindi ako papayag na 'yung tricycle driver ang
 mapapangasawa mo! Kung siya ang iyong makakatuluyan, 'wag na
 'wag ka nang magkamaling magpakita sa pamamahay na 'to!" galit
 na wika ni Mang Randy sa kanyang 21-anyos na anak na dalaga.
 "Ano ka ba, Pa?! Papayag ba akong 'yung katulad ni Luis ang
 mapapangasawa ko na isang tricycle driver lang?! Never!" may
 tonong sagot ng anak habang papasok ito sa kuwarto.
 Blag!
 Kumalabog ng malakas ang pinto nang pumasok si Bernadette sa
 kanyang kuwarto.
 "Hayop talaga ang Luis na 'yan! Buwesit talaga sa buhay ko ang
 lalaki na 'yan! Shit!" nasambit ni Bernadette sa sarili habang
 nagbibihis ng kanyang mga saplot.
 Matapos makapagbihis ay humiga siya sa kama at nakatulog.
 Tok, tok, tok!
 "Anak, Bernadetthe, gising ka muna, Iha. Hindi ka pa
 nakakapaghapunan. Kain ka muna bago matulog," si Aling Sandra,
 ang mabait at maunawain na ina ni Bernadette, habang ginigising
 ang anak.
 "Alam mo, Anak, Bernadette, 'wag mo nang pakinggan 'yang Papa
 Randy mo. Kung ano ang nararamdam mo kay Luis 'wag mo siyang
 tarayan," payo ni Aling Sandra sa magandang anak.
 Kumunot naman ang noo ni Bernadette sa sinabi ng ina.
 "Ma, ni katiting, wala akong naramdaman kay Luis no! Saka...
 tricycle driver lang 'yun no! Hindi ko 'yun papatulan," may pagkadiin
 na sagot ng dalaga.
 "Wag kang magsalita ng ganyan, Anak. Hindi porke't mahirap o
 tricycle driver lang 'yung tao e pagsalitaan mo siya ng hindi
 maganda," mahinang paliwanag ni Aling Sandra.
 "Huwag naman sanang mangyari na maging katulad ng Papa mo
 ang ugali mo ha. Hindi maganda iyan sa mata ng tao, maging sa
 Diyos," pagpatuloy ng ina.
 "Ano ka ba, Nay? Kita mo namang binasted ko na kagabi si Luis,
 kung anu-ano pa ang sinasabi mo sa akin. Wala pa akong oras para
 sa ganyang bagay no! Saka, hindi pa ako handa. Hindi ko pa
 nakikita 'yung guy para sa akin," tugon ni Bernadette pagkatapos
 maisubo ang kalahating kutsarang pagkain.
 "O sige na. Basta ang paalala ko lang sa iyo, 'wag mong tarayan
 kung sino man 'yung taong manligaw sa iyo. Pasalamat ka at wala
 ang tatay mo. Kung nandito yun, siguradong magkagulo na naman
 tayo," sabi ni Aling Sandra.
 Kinabukasan, Lunes, pumasok si Bernadette sa eskuwela.
 Kakutsaba ni Luis ang mga kasamahan niyang tricycle driver, kaya
 kung makita ng mga ito na nag-aabang na ng masasakyan si
 Bernadette kaagad nilang tinawagan si Luis para maisakay ang
 dalaga.
 "Pareng Luis, 'ayun na si Bernandette o! Kanina pa nag-aabang ng
 masasakyan 'yan!" sabi ng isang tricycle driver.
 "Salamat, Pare! Sige, puntahan ko na!" tugon ni Luis sabay
 arangkada ng kanyang tricycle.
 "Pagbutihin mo, Pare!" pang-aasar pa ng lalaki.
 "Hi, Bernadette! Sakay ka na," alok ni Luis.
 Hindi umimik ang dalaga. Pantasya.com - Pinoy sex stories
 collection.
 Tila sumimangot at tumaas pa ang kilay ni Bernadette nang nasa
 kanyang harapan na si Luis.
 "Halu, Bernadette, sakay ka na. Siguro, may hinihintay ka, ano?
 Lalaki ba ang susundo sa iyo?" may halos selos na pagkabigkas pa
 ni Luis.
 Wala pa ring imik si Bernadette, sa halip ay nakatingin ito sa ilang
 paparating na tricycle.
 "Loko talaga ang taong 'to! Ang kulit!" sa loob-loob ni Bernadette.
 "Mama, para!" si Bernadette habang nagpupumilit na makasakay ng
 ibang tricycle.
 "Sorry, Miss, nagmamadali ako! Kay Luis ka na lang sumakay!"
 pasigaw na sagot ng driver habang palayo ito sa kinaroronan nila
 Bernadette at Luis.
 "Puwede ba, umalis ka na at nagmamadali ako?! 'Wag mo akong
 buwesitin ang araw ko ha!" galit na turan ni Bernadette.
 "Grabe ka naman, Bernadette, nagmamalasakit na nga 'yung tao
 inaaway mo pa. Gusto lang naman kitang maisakay para ligtas kang
 makarating sa eskuwelahan ninyo," tilang nagmamakaawa pang
 sabi ni Luis sa dalaga.
 "Alam mo, puwede kang mag-artista! Ang drama mo! Umalis ka na
 nga diyan! Tse!" pananaray ni Bernadette.
 Nang may dumaan na tricycle, pinara ito ni Bernadette pero hindi
 siya pinansin ng mga driver.
 "Ano ba! Siguro, magkasundo kayo ng mga tricycle no! Tuwing
 papara ako hindi nila ako hihintuan. Lagi mo na lang akong
 pinapasakay diyan sa bulok mong tricycle!" patuloy na pananaray
 ng babae sa binata.
 "Ang sakit mo namang magsalita. Hayaan mo, 'pag manalo ako sa
 lotto, sa kotse na kita pasasakayin."
 "Ay sus! Nagda-drama na naman ang ipal!" si Bernadette habang
 kinakausap ang sarili.
 Nang tingnan ni Bernadette ang kanyang relo.
 "Shit! Ala-una na pala, male-late na ako!"
 "O sige na, makisakay na nga! Huwag mong isipin na sumakay ako
 dahil gusto kita! Napilitan lang akong sumakay sa bulok mong
 tricycle dahil nagmamadali ako!" pabigat na wika ng dalaga.
 "Okey lang, kahit bulok itong sasakyan ko malinis naman itong puso
 ko! He he he!" nakangiting sagot ni Luis sabay paandar ng kanyang
 tricycle matapos makasakay si Bernadette.
 Naglulumukso ang puso ni Luis habang pinapatakbo niya ang
 kanyang tricycle.
 "Alam mo, Bernadette, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil
 sa kakaisip ko sa iyo," turan ni Luis habang tumatakbo ang tricycle.
 Walang imik si Bernadette pero nakikinig naman ang tenga nito sa
 bawat salitang binibitawan ng binatang nanliligaw sa kanya.
 "Ang corny naman nito!" sambit ni Bernadette sa sarili.
 Ayaw tumingin ni Bernadette sa binata at sa halip ay nakatingin ito
 sa malayo. Kung minsan naman ay nakatingin sa relo.
 "Alam ko naman na hindi mo ako papatulan dahil isa lamang akong
 hamak na tricycle driver. Kung naging mayaman lang sana ako,
 hindi ako mahihiyang sabihin sa iyo na I love you," patuloy na sabi
 ni Luis.
 Kumunot ang noo ni Bernadette. Pantasya.com - Pinoy sex stories
 collection.
 "Puwede bang paliparin mo na itong tricycle mo at nagmamadali
 ako?!" galit na utos ng dalaga.
 "Gusto mo na bang mamatay? Kita mo namang nasa 80 na itong
 takbo natin eh! Paano na lang kung mamatay ako, hindi na kita
 makikita," sagot ng binata.
 "Alam mo, ang korni-korni mo! For your information, Mr. Luis,
 hinding-hindi kita papatulan! Never!" galit na sagot ni Bernadette.
 "Alam ko naman 'yun, Ma'am! Hindi naman mahalaga sa akin na
 sagutin mo ako o hindi. Ang mahalaga sa akin ay nalaman mong
 gusto kita. 'Yun lang." si Luis habang abala sa pagmamaneho ng
 kanyang tricycle.
 Hindi na nagsalita si Luis at sa halip ay patuloy lang ito sa
 pagmamaneho.
 Wala ring imik ang dalaga, kaya tamihik ang dalawa.
 Makina lang ng tricycle ni Luis ang maingay.
 Matapos makarating sa kanilang eskuwelahan, mabilis bumaba ng
 tricycle si Bernadette sabay alis.
 Si Luis naman ay nakangiting nakamasid sa dalaga na naglalakad
 papasok sa loob ng eskuwelahan.
 Tinitingnan niya ang puwet ni Bernadette na kumikimbot-kimbot
 habang naglalakad ito.
 Nalibang naman si Luis sa nagagandahang estudyante na dumadaan
 sa harapan niya.
 Maya-maya pa ay pinaandar na niya ang tricycle at nagsimulang
 umarangkada.
 Hindi pa man tuluyang nakalarga nang biglang...
 Pak!
 "Heto ang pamasahe ko! Sorry, nakalimutan ko!" si Bernadette na
 nagmamadaling umalis matapos isampal sa mukha ni Luis ang ilang
 pisong barya.
 "Shit, ang taray nun! Ang sakit!" walang nagawa si Luis kundi
 pulutin ang ilang barya na nahulog.
 Kapagkada'y pinaharurot na niya ang kanyang tricycle.
 "Bakit mo naman sinaktan 'yung tao, Anak?" si Aling Sandra habang
 kinakausap si Bernadette nang sabay silang naghapunan.
 "E kasi, Ma, sobrang korni at ang kulit eh!" may tonong sagot ni
 Bernadette sa ina.
 "Alam mo, Iha, parang lumalabas tuloy na mas maganda pa ang
 ugali ng taong walang pinag-aralan kaysa sa nag-aaral. Dapat, kahit
 makulit 'yung tao ginagalang mo sana. Saka, makulit lang siguro si
 Luis dahil malaki ang pagtingin niya sa iyo," pangaral pa ni Aling
 Sandra sa kanyang dalaga.


make money online http://Youthweeklypay.com/?invite=69685




Read Full or Download